Maraming bagay ang nagbago sa Pilipinas. Ilang presidente na ang nagdaan. Ilang EDSA revolutions na ang nagtagumpay, ilan din ang hindi. Mga pangyayari na di natin malilimutan bilang mga pinoy: coup d’etat , sakuna, baha, lindol at kung ano-ano pa..Napakaraming mga pagbabago sa kapaligiran, MRT, C5, Boardwalk sa Manila Bay, at ilang matataas na gusali. Mga trabahong nagbibigay ng mataas na kita sa bansa ang dumating tulad ng mga call centers, mga negosyong malalaki ang nagsulputan at kung ano-ano pa.
Pero ganon pa man, nananalaytay pa din sa ating mga dugo ang pagiging Pilipino. Mga bagay na sa kabila ng maraming pagbabago, ay nanatiling taglay ng bawat pinoy saang sulok man ng mundo makarating.
Anu-ano nga ba ang nagpapahiwalay sa mga Pilipino sa ibang lahi ?
1. Bagoong- pagkaing para sa mga pinoy ay ubod ng sarap, at kapag iniluto ay tunay namang kakapit sa kurtina ng inyong bahay ang amoy , pero para sa atin ay napakabango at napakalinamnam lalo na kung isasawsaw sa kare-kare (hahaha!).
2. Meryenda- saang lahi ka naman nakakita na kung magmeryenda ay limang beses sa isang araw at kung minsan ay sobra pa? Kung minsan bahaw pa ang kinakain .
3. Pasalubong- saan mang sulok ng Pilipinas, saan mang sulok ng mundo makarating ay talaga naman hindi tayo nakakalimot sa mga mahal natin sa buhay na bigyan ng pasalubong kahit magresulta ito ng lima pang bagahe .
4.Balikbayan Box-kabuntot ng pasalubong. Saan ka makakakita ng mga foreigners sa malalaking airports sa mundo na katabi ay malalaking box na nuno ng bibigat. Kapag nabuksan ay siguradong kaht ang pinakamalayong kamag anak ay may sabon , kape at corned beef (na prang walang mga ganito sa pinas).
5. Sawsawan-kapakner na ito ng masasarap na pagkain sa ating hapag-kainan . Hindi kumpleto ang ating pagkain kung walang patis, patis-mansi,suka, sukang maanghang, toyo, bagoong, bagoong isda, atbp.
6.Paliligo 2-3 beses isang araw-kahit winter sa ibang bansa ligo pa din tayo. Nasanay na ang ating mga katawan ng paliligo, hindi lamang isang beses kundi maraming beses sa isang araw.
7.Po at opo-mga salitang tanda ng paggalang sa mas nakakatanda at may awtoridad. Wala ang ibang lahi nito.
8. Beaches-may gaganda pa ba sa Boracay, Pagudpud, Siargao, atbp? Sa 7107 na isla na meron ang ating bansa, dapat lang natin ipagmalaki na marami sa ating mga beaches ang nakikilala bilang pinakakamaganadang beaches sa buong mundo. Kaya nga binabalik-balikan ng mga foreigners ang mga isla natin sa ganda ng mga buhangin, coral reefs na da best sa snorkling, siargao para sa surfing atbp.
9. Bayanihan- kasali na din ang mga mananayaw na tanyag sa buong mundo, pero ang bayanihan ay isa sa mga bagay na nagpakilala sa atin sa ibang lahi. Kawanggawa, pakikisama, pagtutulungan , yan ang bayanihan, pagkatapos ng isang gawaing magkakasama, kasunod ay inuman, kantahan at pulutan.
10. Dinuguan-(Pork Blood Stew) mawawala ba sa mga handaan ang pagkaing ito? Napakalinamnam lalo na kung sasamahan ng mga laman-loob, tenga ng baboy , at buo-buong dugo.
11. Kamayan-style-pagkain ng kamay ang gamit. Itataas pa ang paa . Kaysarap ng pagkain kahit tuyo lamang ang nasa mesa kung nakakamay. Samahan mo pa ng kamatis na may asin o patis..hmmmm
12.Pakikisama-kahit anong mangyari, huwag lamang mawala ang pakikisama ay gagawin natin ang lahat para sa ating mga kapitbahay, kaibigan at kamag-anak. Ayaw na ayaw nating mabasagan na taong hindi marunong makisama. Kahit nasaan tayong lugar o bansa dala-dala natin ito.
14. Pakisuyo- kaakibat ng pakikisama. Hindi daw tayo marunong magsabi ng salitang hindi. Lalo na kung ipakikisuyo ng ating kaibigan na magpapadala siya sa kaniyang mga kamag-anak. Ayos lang sa atin yan, kahit mas mabigat pa sa bagahe natin ang pinakisuyo niya at nasa dulo pa ng batanes o Sulu ang pagbibigyan.
15. Tabo-mga pinoy lang yata ang gumagamit ng tabo sa buong mundo. Dapat ay meron tayo nito dahil hindi tayo tatagal sa pa tissue-tissue lang pagkatapos gumamit ng kubeta. At opkors dapat may sabon.
16. Pagkaing kalye-barbecue: adidas,helmet, betamax, IUD; provin, balat ng manok na prito, lumpia, kakanin, kwek-kwek at kung ano-ano pa.
17. Balot at penoy- napakasarap na pagkaing pilipino na sadyang tayo lamang ang may kakayanang kumain.Lalagyan lamang ng konting asin at solb na solb na !
18. EDSA people Power-yong unang-unang People Power ang nagpakilala sa buong mundo na ang Pinas ay isang nagkakaisang bansa.
19. Erap jokes-nauso nang tumakbong presidente (o bise-presidente palang) si erap na siyang nagpasikat sa at sa aking palagay ito ang nagpanalo sa kanya (at nagpabagsak ).
20.Imelda Marcos at ang kaniyang mga sapatos-nakilala din ang mga pinoy dahil sa kniya dahil sa kabila ng ating paghihirap ay nagkamal siya ng ilang libong pares ng sapatos, ngunit masisisi ba natin siya asawa siya ng presidente.
21. Rice Terraces-considered as one of the Wonders of the World today.
22. Yoyo-laruan na kilala sa buong mundo na lingid sa kaalaman ng lahat ay sa Pinas pala nagmula.
23.Ninoy Aquino-naging bayani na pagkatapos mag exile sa Amerika ay napatay ng di nakikilalang tao nang maisipang magbalik sa bansa.
24.Ninoy-”May Ninoy ka ba diyan? Pautang naman. ” Limandaang piso na kung tawagin natin ay ninoy dahil ang nakapangalumbabang si Ninoy Aquino ang bayanong nakalagay diyan. Ayaw na ayaw ng mga feng shui experts ang posing ni ninoy diyan dahil malas daw para sa mga pinoy ang pangangalumbaba.
25. Pamahiin-supertitious beliefs-dala natin saan man tayo makarating. mga paniniwalang nakakatulong (o maaring makasira) sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
26. Pandesal-kay saap na almusal sa umaga, may palaman , merong palaman, sawsaw sa kape o tsokolateng inumin dabest talaga.
27. Pulutan-hindi masarap ang inuman kung wlang sisig, chicharon, barbecue at kung ano-ano pang pagkain na kapakner dapat ng beer, hard o kahit anong uri ng inuming nakakalasing.
28. Inuman-may okasyon o wala, siguradong may inuman.
29. Karaoke-Sa maniwala kayo o sa hindi, ang minus one at ang karaoke ay sa mga pinoy nagmula. Mabiling mabili ang magic sing (mic) sa ngayon na dinadala ng mga balikbayan pabalik sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
30. Jollibee-Kahit nasaan ka man , siguadong mamimiss mo ang jollibee. Swerte ka (kung nasa ibang bansa ka) kung ikaw ay malapit sa lugar na may Jollibee.
31. Kulay kayumanggi o Kayumangging Kaligatan-nakakapagtaka na ang mga pinay at maging pinoy ay gustong gustong maging maputi. Hindi nila alam na kinaiinggitan ng mga foreigners ang ating kulay. nagpapaaraw pa sila ng ilang oras para lamang magkaroon ng magandang kulay ng tulad sa atin.
32. Mahaba at unat na unat na buhok-karamihan sa mga pinoy ay may unat at mahabang buhok. Kundi man unat ang buhol mo siguradong ipapa rebond mo yan. inggit ang mga ibang lahi sa ganda ng ating mga buhok.
33.Kanin-may sasarap pa ba sa kanin (mainit o malamig) na kasama ng masasarap nating ulam ?
34. Pagkain-impluwensya man ito ng mga kastila, intsik, hapon etc, iba pa din ang adobo, kare-kare, menudo, krispy pata, ginisang amplaya, dinuguan, sinigang, nilaga, asado, apritada, at kung ano-ano pa (nakakagutom)
35. Pagsasalita ng English-kaya nga gustong gusto ng mga kano ang mga pinoy na kunin sa kanilang all centers ang mga pinoy dahil sa husay nating magsalita ng inggles. tayo ay kinokonsiderang 3rd Largest English Speaking county in the world next to US and the UK. O dba?
36. Ugaling Bahala na -hindi ko alam kung ito ay magandang ugali dahil lagi natin ipinauubaya sa Maykapal ang kapalaran natin pero nagpapakita din ito ng ating malakas paniniwala sa Kanya. Ngunti hindi maganda sa dahilang imbes na gumawa at umisip ng paraan ay sasabhin nating “bahala Na.”
37. Religious-kahit anong relihiyon ang ating yakapin ay malakas ang ating paniniwala sa Lumikha. Ito ang isang bagay na hinding-hindi kalilimutang ng mga Pilipino.
38. Pagmamano-tanda ng paggalang sa nakakatanda, isa ding pagpapaalala sa mga ninong at ninang na malapit na ang Pasko.
39. Komiks-Hiwaga, Wakasan, Funny Komiks, Aliwan, Liwayway, at kung ano-ano pa. Dito antutong bumasa ang mga karamihan sa mga pinoy.
40.Kartilya (ABAKADA)-kung naguumpisa ka palang matutuong bumasa siguradong binili ka ng nanay mo nito. Ang Suso(snail) Naku! May suso! Suso nga ba? Oo! Suso nga! Ay suso pala!
41. Jeepney-may dekorasyon o wala, may sound o wala, siguradong may nakalagay na dalawang kabayong matitikas sa unahan ng jeepney, tanda daw ito na sila ang hari ng kalsada. Pangunahing transportasyon ito sa Pinas. Madami ding naagawan ng cellphone at naiisantsan ng kuwintas o nahoholdap sa jeepney. kaya mag-ingat at huwag mag pa-anga-anga.
42. Text (SMS)-text adeek daw ang mga pinoy. Ang pinas ay kinokonsiderang text capital of the world.
43. Cellphone-adeek din sa cellphone ang mga pinoy. Ilang beses ka na abng nagpalit ng cellphone ngayong taong ito? Kung gaano kaadvance ang technology, ganon din kabilis magpalit ng cellhpone ang kaamihan sa pinoy.
44. Santacruzan-parada ng magagandang pinay at poging pinoy. bawal ang hindi cute kung hindi ang role mo ay ermitanyo o ikaw ang may hawak ng pugot na ulo.
46. Hospitality-kilala ang mga pinoy sa buong mundo na pinaka hospitable na tao . Ipapagamit natin sa mga bisita natin ang mga imported na kumot, pinggan, kutsara’t tinidor. Ang mainit na pagtanggap natin sa mga bisita ay siyang isang natatanging kaugalian na dala ng abwat pinoy saan man makarating.
47. Choc-nut-tsokalateng gawa sa mani at niyog. Sarap lalo kung malamig.
48. Tricycle o Side car-uri ng transportasyon na pampasikip sa kalye ng maynila.
49. Yaya-ang pinagkakatiwalaang kasama sa bahay na nag-aalaga ng bata na naging kilala sa buong mundo bilang mga domestic helpers.
50. Dirty Ice Cream-nasa matamis na apa, nakalagay sa monay (buns) o nasa maliliit na plastic cups, ewan kung bakit mabiling-mabili eh dirty naman daw siya. Sarap na pleybor nito ay keso, mangga, ube, tsokolate. Naisip ko, dami naman saging sa Pinas bakit hindi nila ginawang isa sa pleybor ito?
51. Scramble-malamig na inumin (o pagkain) na kulay pink (ewan kung bakit naging pink) . Gawa sa ginadgad na yelo na hawak -hawak ni manong ng dalawang kamay niya , sangkatutak na asukal at may variation lalagyan ng tsokoleyt sa ibabaw. sarap!!
52.Lechon (Roasted Pig)-hindi kumpleto ang handaan kung walang lechon. nakapagtataka, unang nauubos ang balat nito . balat palang ulam na.
53. Tawas-hindi yong nilalagay sa kili-kili bilang deodorant kung hindi yong kapag nagakasakit ka ipapatawaska ng nanay mo dahil nabales ka daw. lalabas sa kandilang ipinatak sa tubig na ikaw ay nabati ng isang baabeng may mahabang buhok. Ang gamot? dadalhin ka ng nanay mo sa kapaitbahay niyong mahaba ang buhok na paarang bruha at palalawayan ka sa tiyan. Ayos magaling ka na!!
54. Tawas (ulit)-ito na ang pinakahihintay mo: ang tawas na ginawang deodorant nating mga pinoy. Huwag mong sabhing hindi ka gumamit nito kahit ito ay msakait sa kili kiili dahil maaligasgas. Ok lang yon basta hindi ka maantot.
55.Tukso o tuksuhan-naalala mo pa ba ang tukso mo sa mga kalaro mo? Bulate! Bulate! Tukso ko yan sa kalaro kong nilalabasan ng bulate nong maliit pa siya . Ngayon may asawa’t anak na siya yan pa din tawag sa kanya (Eric Bulate) sagwa ano? eh sa iyo anong tukso niya? Kasi sigurado pagtawg mo sa kaniya ng bulate hindi siya papatalo. Sisigaw naman siya sa yo ng Kuto!Kuto! dahil madami kang kuto .
56. Larong Pinoy-bago pa mauso ang game and watch , nintendo, counter strike, at ngayon ang Wii at Playstation 2 and 3, naglalaro tayo ng taguan, sipa, piko, luksong baka, luksong tinik (ewan kung anong pinagkaiba nila ), viola kamatis, taguan-tsinelas, takbuhan, langit lupa , impyerno, chinese garter, siyato, at kung ano-ano pang larong kalye.
57. Nora Aunor -world renowned actress
58. Barangay Ginebra-isang koponan sa PBA na nagpapamalas ng never-say-die spirit na isa sa mga magagandang katangian ng mga pinoy.
59. Pagiging masayahin-sa kabila ng kahirapan nating mga pinoy, kinukunsidera pa din nating msarap ang ating buhay.
60. OFW-hindi iilang mga pinoy ang nangarap magtrabaho sa ibang bansa upang umngat ang buhay. Mga makabagong bayani ng ating bansa sa dahilang nagbibigay ng malaking kita ang kanilang mga padala sa gobyerno.
61. Siesta-tulog sa tanghali na ayaw na ayaw ng mga bata na siyang gustong gusto ng mga matatanda pero sorry na lang sila hindi na pwede sa trabaho ang patulog tulog.
62. Sine-panonood ng sine-isa sa paboritong past time ng mga pinoy.
63-Pirated CD,DVD-kahit alam ng bawal, at sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban dito ay maririnig mo pa din ang DVD DVD singkweta lang nang patago sa mga malls.
64.Divisoria-dito makikita ang napakamumurang bagay na maiisip mo. magtitiyaga ka nga lamang sa amoy at putik. pero huwag mag-alala mura din sa Divisoria mall aircon na may Jollibee pa.
65. Mangga-ang ating pambansang prutas.napakatamis at napakasarap
66. Pagiging magalang-paggamit ng mga salitang ate,kuya,manong, manang,diko,ditse, sangko, atbp na siyang namana daw natin sa mga intsik.
67. Mga bayani-hindi si Bayani Agbayani kundi sina Jose Rizal, Apolinaio Mabini, Andres Bonifacio, atbp na nakipaglaban para sa ating kalayaan.
68. OPM, Pinoy songs- mga natatanging awitin na sumikat at naging bahagi ng ating kultura tulad ng Anak, Gaano Kita Kamahal, Hindi Kita Malilimutan, atbp. Isama na din dito ang mga magigiting at mahuhusay nating mang aawit at composers tulad nina Ryan Cayabyab, Geoge Cancseco, Florante, Freddie Aguilar, at marami pang iba. Isama na din ang mga bagong mga mang-aawit at banda na nagpapakita ng hilig at talento nating mga Pinoy sa musika.
69. Mga hayop at halaman-tarsier, walingwaling, tamaraw, dugong, monkey-eating eagle, pawikan, sampaguita atbp.
70. Mga buhay na bulkan-Mt. Pinatubo, Mayon Volcano, Taal Volcano
71. Sari-Sari Store-maliliit na tindahan ng kung ano-anong bagay. pwede dito ang tingi at utang. meron na din silang load, pasaload, unlimited load at internet load.
72. SM-isa sa malalaking department stores sa pinas. Ang MOA o Mall of Asia ay sinasabing pinakamalaking mall sa ASIA.
73. Eat Bulaga-the longest running TV show in the Philippines.
74. TFC-The Filipino channel-ang tv station ng mga pinoy sa maraming sulok ng mundo. nakakapanood din sila ng ga telenobela, tv shows at balita.
75. Pasko-pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo. Nag-uumpisa tayong maglagay ng krismas tri sa buwan na may ber na sa hulihan. nag uumpisa na din ang krismas shopping niyan. ngunti ang totoong selebrasyon ay nagsisimula sa ika labing anim ng Disyembre at matatapos sa Three Kings.
76. World Class Athletes/Entertainers-Lea Salonga, Lydia de Vega, Manny Pacquiao, Efren “Bata” Reyes, Paeng Nepomuceno, atbp.
77. Kakanin-biko, sapin-sapin,kutchinta, maja blanca, puto, palitaw, ensaymada, halaya,pulvoron, macapuno, pastilyas
78. Halo-halo-malamig na pagkain na may halo-halong sangkap. mas espesyal ito kung may langka, ube at ice cream sa ibabaw.
79. Fiesta-selebrasyon ng bawat lugar o probinsya. Kadalasan ito ay ang pagdiriwang ng kaarawan ng santo na siyang patron ng isang lugar. Kasama na dito ang mga palabas tulad ng amateur singing contest, palaro sa kalye, musiko, prusisyon , at napakaaming pagkain.
80. Pinoy Festivals-Sinulog, Ati-atihan, Dinagyang at maami ang iba.
81. Native costumes-iba’t ibang grupo ng pinoy ay may kani- kaniya ding kasuutan
82. Telenobela-koreanobela,chinobela-mga drama na nai dub sa tagalog, isama na din ang mga caroons tulad nina mojacko na tagalized na din.
83. Araw ng mga Patay-pinoy lang yata ang nagseselebra ng araw na ito. Karamihan sa atin ay nagpupunta sa sementeryo para dalawin at magbigay galang sa mga namatay nating kamag anak.
84. Pakikipaglibing/Burol-pagbibigay galang sa namatay na mahal sa buhay. May mga nakasakay sa jeepney, may naglalakad habang umiiyak.
85. Tyangge o Bazaar-mga maliliit na tindahan ng mga kung ano-anong bagay makikita sa mga gitna ng mall, sa kalye, o ang pinaka sosi ang greenhills.
86. Pirated na bags, wallets,damit-mabibili sa mga tyangge, may tatak na Louis Vouitton, Prada, Benetton, Coach, Guess atbp. May iba’t ibang klase pa ito class A, AA, B, C at lowest class ang D (ewan kung saan galing at kung anong kaibahan niya).
87. Education-sinasabing natatanging pamana nag ating mga magulang sa atin. halos lahat ng pinoy ay pinag-aaral at nkakapagtapos ng kolehiyo. Kung kaya’t tayo ay nagiging globally competitive.
88. Drama-soap opera na nagpapasya kung di man nagpapaiyak ng ating mga gabi.
89. Talk Shows-Sharon, Balitang K , Sis-mga palaabs na nagbabaliktaktakan tungkol sa sai-saring bagay
90. Close Family Ties-hindi matatawaran ang ating pagiging malapit sa bawat miyembro ng pamilya.
91. Mga Gulay-hilig ng mga pinoy ang kumain ng amplaya, malunggay, kangkong, saluyot, okra, sayote, pechay, atbp. kaht nilaga o steamed lang ulam na natin ito.
92. Dried food-tuyo, daing, danggit, daing na pusit sarap na almusal kapatner ng sinangag at itlog.
93. Pagiging matatag-pagkatapos ng pananakop ng mga kastila, hapon, amerikano , ng Martial law, Revolutionary government ni Cory, FVR, Erap ar ngayon ay kay GMA, mga lindol, bagyo, kung anu-anong sakuna ang nagdaan , nananatili pa din tayong matatag sa kabila ng lahat .
94. Gayuma, Agmiat,Anting-anting-mga out of this world na paniniwala.
95. Pinoy jokes-pagpapakita ng pagiging masayahin ng mga pinoy. kahit anongproblema ang dumaan, joke, joke. joke pa din tayo.
96. Manananggal, kapre, nuno sa punso, asuwang, duwende-mga nakakatakot na nilalang na nahagi ng mga kuwento ng lola mo , na ginagawang panakot sa yo kung hindi ka sumusunod sa utos nila.
97. Orasyon-pagdadasal kung alas sais ng hapon. lahat ng miyembro ng pamilya ay dapat nasa loob na ng bahay at handa nang magdasal. Sa ngayon ay konti na lamang ang gumagawa nito.
98. El Shaddai-isang malaking organisasyon ng mga Katoliko na pinamumunuan ni Mike Velarde.
99. ha,kuwan, ano, ahh-mga salitang ginagamit mo na walang kahulugan , kung wala ka nang masabi pa.
100. Kadiri to death , baduy, jologs, konyo,apir-ilan sa mga salitang na tayong mga pilipino lamang ang nakakaintindi .
Makakabuo pa tayo ng next 100 kung tutuusin . Napakaraming bagay ang nagpapahiwalay sa mga pinoy sa ibang lahi. ang iba ay magaganda ang iba ay nakakainis, pero tanggap natin ito dahil tayo ay mga pinoy at bahagi ang mga ito ng ating kultura.