Category Archives for Pansin ko lang

the state of the philippines today….

people in power in the phils

‘May araw din tayo’

Sabi mo, Gary Olivar, magpakalalaki si Noynoy, huwag na nyang punahin ang boss mo. Sabi mo rin, politically mature na tayo, di na dapat ginagamit sa pulitika ang mga salitang “Good vs. Evil” or “Kabutihan laban sa Kasamaan.”

Payong kapatid, p’re, easy ka lang sa salitang “mature.” Di ka gaanong kapanipaniwala pag nagpapasya ka kung ano ang mature at ano ang hindi. Hindi na ko magpapayo na easy ka rin lang sa paghamon sa ibang tao na magpakalalaki, bahala ka lang magnilay-nilay tungkol dyan sa harap ng salamin.

Meron pa bang mas immature kesa sa sagot mo kay Noynoy? Obvious naman na ang pinanggalingan nyan ay ang kulturang macho na nagsasabing ’wag kang papatol, o makikipagaway, sa babae kung tunay kang lalaki. Kung ganun lang ang deskarte n’yo, uminom na lang kayo ng gin hanggang sa machoka. ’Yang machong kulturang ’yan ay matagal nang ibinasura ng taongbayan sa tulong ng women’s groups dahil sa mababang pagtingin sa kababaihan. Kunyari nagtatanggol sa mga babae, sa totoo ay sinisiraan ang mga babae.

Continue Reading »

Misyon

Lahat ng tao ay misyon sa buhay, tulad na lamang ng mga taong ito na halos liparin ang paglalakad patungo sa subway upang makarating sa kanilang paroroonan sa araw-araw. Ang lahat ng taong sa larawan ay gumagalaw at nagmamadali maliban sa batang naka-puting sombrero, ay kanyang mundo o misyon sa buhay ay di kasing hectic ng kanyang asa paligid; ang maglaro at mag-aral - simpleng misyong maghahanda sa kanyang para sa hinaharap.

LP-60

Everyone has a mission in life, like these people briskly walking to catch the subway everyday. Everyone in the photo is motion except for the little child in the white hat, hers is a much simpler mission; to play and study -  a simple mission to prepare her for life ahead.

_________________________________________________________________________

Gusto mo bang mapanalunan ang thumb drive na asa larawan?

Basahin ang DITO ang patimpalak.

Ang Querida (System?)

The Unwanted BrideNaaalala ko pa noong bata pa kami, mayroon kaming kapit bahay na magandang babae, mahinhin, tahimik at pino ang kilos, higit pa dito ay may sariling sasakyan at maalwan ang klase ng pamumuhay gayong hindi naman nagta-trabaho. Mayroon siyang isang anak na batang lalake ngunit misteryo sa buong kapit bahayan kung sino at ano ang itsura ng asawang lalake .

Sa ilang linggo naming pagpupuyat noong panahon ng bakasyon sa eskwela ay natyempuhan namin ang misteryosong lalake, kami ay nagulat dahil kilalang kilala siya ng buong bayan, ang mismong Punong Bayan o Mayor. Ang aming punong bayan ay may misteryong itinatago, “napakagandang misteryo” na minsan sa buhay ko ay naging parte ng pag gising ng aking kamalayan sa pagnanasa (oooppss! ibang kwento po ito, ha ha!). Ang misteryong maaari “daw” sumira sa kanyang career. Ngunit gaano nga kaya katotoo ito?

“Querida”- salitang espanyol na sa tamang bigkas ay “kare-EE-sah” na ang tunay nakahulugan ay “beloved”, “darling”, ngunit ang masamang kahulugan sa pandinig ng mga Pilipino ay ganito…Woman & Fire Play

Kerida- kabit, taksil, at “the other woman” , ang magandang kahulugan ng salitang ito ay napalitan ng hindi ka nais nais na interpretasyon. Hanggang ngayon ay hindi malinaw kung bakit ang salitang ito ay naging negatibo ang imahe gayong kay gandang salita at kay sarap bigkasin.

Idagdag pa natin ito, Querida- ang babaeng nagpapanggap na asawa, ang mang-aagaw, ang immoral, ang babaeng gamit ang kagandahan o katawan upang yumaman at iba pang pangit na kahulugan ng babaeng hindi umaayon sa imahe ng “malinis” na babae sa depenisyong Filipino. Ang klase ng babaeng hindi katanggap tanggap sa kumunidad at sa mismong pamilya, ang maruming babae na hindi nararapat bigyan ng respeto at pag-galang. Ngunit may katawa tawang sitwasyon ang Querida System na hindi nabibigyang pansin.

Dahil sa walang diborsyo sa Pilipinas, normal na ang Querida System sa kumunidad, ang babaeng hiwalay sa asawa na nakikisama sa iba, ang dalagang pumatol sa hiwalay sa asawang lalake at mga pagkakataon parehong hiwalay sa legal na asawa ang babae at lalake. Ang mga sitwasyong katulad nito ay hindi tinutuligsa ngunit ang isang sitwasyong laganap sa mga “Machong Pinoy” na nanatiling kabuuang pananaw sa querida system ay ang lalakeng nananatiling aktibo ang pagsasama sa legal na asawa, ngunit may palihim at patagong inuuwiang Querida na maaaring ilang beses sa isang lingo o buwan, sa oras na mahuli ito ay “eskandalo” ang patutunguhang eksena lalo pa nga kung ang lalake ay isang opisyales ng gobyerno o kaya naman ay nanunungkulang sibil.

Ang pagkakadawit sa ganitong klase ng sitwasyon ay maaaring magbigkis sa kanya sa pag kakaroon ng tatak “immoral” sa mata ng publiko na makasisira sa kanyang career dahil maaaring gamitin ito ng kalaban upang siya ay pabagsakin. Ngunit sa ngayon ay hidni na masyadong nakaka-apekto ito dahil na rin sa isa pang nakatatawang mentalidad na “noon yun, hindi na ngayon” dahil nagiging normal na ito sa paningin ng taong bayan.

Hindi rin naman maitatatwa na kahit tsuper, karpentero, tindero ng balut o mga lalakeng halos ang kita sa paghahanap buhay ay sumasapat lamang sa pang araw araw na gastusin ay may itinatagong mga kabit at pagkahilig sa babae dahil na rin sa kaakibat ng pagiging macho. Ang kakaibang nakatutuwang epekto pa nito ay kung magkaroon ng anak ang Querida ay na ngangahulugan ito ng mas mahigpit na kapit sa lalake upang tustusan silang mag-ina, sure income kumbaga, maaari nga na hindi derektang suportahan ng lalake ang kabit ngunit ang anak ay obligadong bigyan.

Ang “kalokohan” ng mga kalalakihan ay halos tanggap na rin ng sosyalidad ng Pilipino, basta lalake ay malayang maging adbenturero sa kanyang sekswal na pananaw hindi katulad ng limistayong mayroon ang kababaihan na hindi maaari ang ganitong gawain, isa marahil ito sa pagpapatunay na hindi talaga parehas ang mundo ng babae at lalake sa ating bansa.

Teka, bago ko makalimutan… base sa karanasan, ang isang mabigat na parusa na natatangap ng lalake mula sa asawang babae kung ito ay nahuli na may kabit o may ibang babae ay ang tinatawag na “outside de kulambo” at hindi maaaring makipagtalik ang lalake sa asawang babae hangga’t hindi pa humuhupa ang galit ng babae na tila ba hindi ito magiging dahilan para ulitin ni lalake ang maghanap ng ibang babae upang mairaos ang init ng katawan! Haayyy naku!.. ahh ewan… bahala na po kayong humusga!

Balingkinitan

LP-Balingkinitan

Balingkinitan - ang minimithi ng mga kakababaihan. Sa aking pananaw ay likas sa mga taong taga-southeast asia (kabilang na ang pinoy) ang balingkinitan, dahil na marahil ito sa ating staple na pagkain (bigas) at sa metabolism ng katawan.  Kung ikukumpara sa mga “puti” na pagtungtong sa edad na biente pataas ay naglalaparan na ang mga baywang,  mas seksi pa rin ang mga pinay tumuntong man ng edad ng kuwarenta pataas - kya GO PINAY! ipakita sa mundo ang hubog ng katawan mo

ang tatak - pinoy nga ba?

(LP-Tatak Pinoy)

lp

Bigas na milagrosa - maputi, malagkit-lagkit, masarap at mabango pa!

look again…

Opo, di kayo nagmamalik-mata. Ito ay milagrosang galing ng Thailand. Pansin ko lang na ang “Milagrosa” o “Jasmine Rice” ay isa sa napaka-popular ng variety ng bigas sa mundo. Ito ay makikita kung saan-saan, nguni’t halos di ka makakakita ng “Milagrosang” galing ng pilipinas - karaniwang ito ay galing ng Thailand o Vietnam.

Ang “Milagrosa”, hindi lang ito tatak pinoy kundi gawang pinoy pa - yun nga lang ang sumikat sa mundo ay di galing pinas. Gives new meaning to that popular pinoy saying - ” ako ang nagsaing pero iba ang kumain”.

Buti nga kung yung lang ang problema ng pinas pagdating sa bigas,  kakadismaya lang po magkuwento kaya pakibasa na lang dito.

kalidad ng edukasyon sa pinas

lp

isang mapurol na lapis ang tingin ko sa estado ng edukasyon sa atin (LP: Pag-aaral)

Ayon sa 2007 Times Higher Education World University Rankings -  2 unibersidad lamang sa pilipinas ang umabot sa top 500.

University of the Philippines (UP)   - #398

Ateneo de Manila University (ADMU)  - #451

ang kasama sa top 500 last year na bumaba ngayon ay De La Salle University (DLSU) - 519th at University of Sto. Tomas 535th.

Ang pilipinas ang may pinakamababang bilang ng unibesidad sa asya sa talaan.  India having eight, Thailand five, and Indonesia three, all of which ranking higher than UP.

“Hindi ako naniniwala na nag-deteriorate. Siguro sa akin ay hirap lang tayong humabol sa kanila, kasi dahil kulang sa pondo (I don’t believe that the quality of education has deteriorated. For me it’s more like we are having a hard time coping up with them due to lack of funds, among other reasons),” ayon ky UP president Dr Emerlinda Roman

IMHO - it has deteriorated, at due to lack of funds ang isa sa dahilan, among other reasons.

Filipinos still make up big chunk of Friendster users

Filipinos still make up big chunk of Friendster usersBy Erwin Oliva
INQUIRER.net
First Posted 09:39:00 05/22/2008

 

MAKATI CITY, Philippines — A third of the traffic going to social networking site Friendster are contributed by Filipinos or at least the Internet Protocol (IP) addresses are from the Philippines, an executive told INQUIRER.net.

Of the 39 million unique visitors recorded in March 2008, about 13.2 million unique users are from the Philippines, said David Jones, vice president for global marketing of Friendster, in an interview.

Jones said that if there are 14 million Internet users in the Philippines as of 2007, about 98 percent are going to Friendster.

These figures indicate that Filipinos make up the biggest population of Friendster users in the world, even surpassing the United States, where the service was originally launched.

Such numbers have prompted the social networking site to consider the Philippines as a major market for its services, including its mobile service, Jones said.

Typically, Filipino Friendster users are in the age range of 16 to 30 years old, with 55 percent of them being female.

There are 15 countries around the world where Friendster is now popular. They are the Philippines, Indonesia, Malaysia, the United States, Singapore, Canada, India, Australia, the United Kingdom, Hong Kong, Japan, the United Arab Emirates, China, Taiwan and Korea.

Jones said Friendster was launched in Vietnam recently.

Asia remains the biggest market for Friendster, considering it has over 50 million registered users and 34 million monthly unique visitors coming from this region according to the social networking, citing figures from the comScore Media Matrix worldwide data in March 2008.

Until September 2007, Friendster was an English-only social networking website. Today, it now supports seven languages.

Jones said Friendster is currently getting much of its business from advertising on the website. But recently, the company has moved to the mobile phone space, allowing people to access their profile using their mobile handsets.

He said there are now over 450 social networking websites in the world. Friendster currently has over 68 million registered users.

Mga Katange-an ng dugong Pinoy

1. May asawa ka na ay nakatira ka pa rin sa bahay ng magulang.

2. Higit sa 2 pares ang ninong at ninang.

3. Mahilig ka sa imported or branded na gamit….kahit na ukay-ukay pa yan galing ang importante ay ang tatak.

4. Mahilig sa tsismis, inggitera at mahilig manira ng ibang tao.

5. Mahilig mangutang ngunit makunat magbayad ng utang.

6. Malaki ang utang kesa sa halaga ng kinikita, o santambak ang credit cards

7. Mahilig gumimik o bumarkada kahit may pamilya na.

8. Nagtatapon  ng basura kung saan saan.

9.  Ang lalake ang nasa bahay at ang babae ang nagtatrabaho.

10.  Hindi gumagamit ng kubyertos sa pagkain.

11.  Kumakain ng higit sa tatlong beses isang araw.

12. Nagsasawsaw ng pandesal sa kape.

13.  Mahilig sa sabong.

14. Mahilig sa boksing.

15.  Gusto’y laging bida.

16.  Gaya-gaya…mahilig sa uso kahit hindi bagay.

17.  5yrs old pa lang may cell phone na.

18.  May pansit sa mesa kapag nagdiriwang ng kaarawan.

19.  Nag uulam ng toyo sa champorado.

20.  Pasosyal..panay ang english kahit sablay ang grammar.

 

 

 

Ang Machong Pinoy

Modernong Maria Claras?

Hindi ko alam kung kailan at saan ito nagsimula ngunit ang kaugaliang nakapaloob sa atin tungkol sa pagiging “Macho” ng kalalakihan ay maaaring ipatungkol lamang sa “tikas ng pagkalalake at makarami ng naging babae”. Isa rin itong dahilan kung bakit mas madalas na nagiging irresponsable ang isang lalake bilang ama at asawa, ngunit lalakeng lalake naman sa mata ng pinaiikutang sosyalidad. Bakit? Dahil magiging lalake daw ang isang lalake kung magkakaroon ito ng asawa at anak at “mas” kung ito ay magkakaroon ng “kabit” at mga anak sa “labas”!

Sa tuwing pag uusapan sa mga umpukan at kwentuhan ang pagiging “macho”, madalas na pumapasok sa usapin ang “ander de saya” ang kabaliktaran ng pagiging macho. Dahil bilang macho, kailangan mong maging mas mataas, matigas, matatag at may isang salita sa pamilya, kailangan ang asawang babae ay laging nakayuko sa lalake at gayun din ang mga anak na babae, ang salita ng lalake ay batas sa loob ng pamamahay na hindi maaaring mabali ngunit ang mga anak na lalake naman ay sinasanay sa ugaling kapareha ng sa ama, bilang superior sa kababaihan.

Kung ang isang lalake ay tahimik sa asawa, mahinahon, walang kabit at lalo na kung walang trabaho at babae ang nag hahanap buhay, malamang ay tampulan na ng tukso bilang si “Andres, ang butihing maybahay!”. Andres ang tawag sa lalakeng may taguring ander de saya, ang lesser man at kasalungat ng lalakeng macho, isang kahihiyan sa lahi ng mga kalalakihan at kahihiyan sa pinanggalingang angkan. Damay kasi ang buong angkan kung ang lalake ay mabansagang Andres.

Ang mga kababaihan naman ay tila kabaliktaran ng pananaw sa mga kalalakihan, inaasahan na mananatiling birhen ang babae hanggang sa araw ng kanyang kasal samantalang ang lalake sa katotohanan ay buong laya ang karapatan na makipagtalik sa kahit sinong babae na maaari niyang makatalik dahil parte ito ng pagiging lalake. At dahil din dito kaya naman ang mga kababaihan ay mas madalas na sinasamahan o pinasasamahan ng alalay o tsaperon. Hindi maaaring sumama sa party na walang kasama o wala ang kapatid na lalake kung mayroon man.

Isa pang nakakatawa nito ay kung ang ama ay walang anak na lalake at puro babae o mas marami ang anak na babae kaysa lalake, siguradong “pambayad utang” ang itataguri sa mga anak na babae kaya naman mas lalong maghihigpit ang ama sa mga anak. Pambayad utang dahil pinaniniwalaang ito ang ganti sa kanyang pagiging irresponsable sa pambabae noon o maging sa kasalukuyan na sa maikling salita ay kailangan namang proteksyunan ng ama ang mga anak sa mga lalakeng kagaya niyang macho.

Sa ngayon ay natututo na rin ng paunti unti at dahan dahan ang ating mga kababayan na hindi na applicable ang ganitong pananaw o kaugalian sa kasalukuyan dahil narin sa pagbubukas ng mga uportunidad para sa mga babae na maging kapantay ng mga lalake sa kahit na anong larangan. Totoo nga kaya?