magaling ang pagkakabuklod mo sa querida, kabit at iba pang kahulugan nito.. ngunit hindi ba at noon pa man ay pareho lamang ang dahilan sa pagiging kabit o hindi tunay na asawa?
dito sa gitnang silangan, mayroon ding “por kilo” ngunit ang por kilo dito ay sa iisang regular na “karne” kinukuha.. sa pag kakaalam ko lang po!
o kaya naman ay por kilo pa rin bang matatawag ang “magsing-irog” kuno kung sila ay isang bese lamang magkita? ahihihi minsan nakakalito rin gumawa ng kalokohan eh!
kung ating pagmamasdan, ang pagkakalikha o ang mismong desenyo ng mga unang kalsada, avenida at paseos ay halos kahalintulad ng mga kalsada sa europa o eastern countries. Ang mismo ngang sentro ng mga kastilang mananakop noon o ang Espanya ay may mga maliliit na kalsada at tila pansit sa pagkakabuhol buhol ang kanilang mga eskinita, na ngangahulugan lamang na maaari ngang noon ay ibinabatay ang maynila sa mga sentrong siyudad sa Espanya at Europa.
Ang hindi lang natin nakuha sa mga mananakop ay ang ugaling “pagsulong”.. dahil hindi baga’t tayong mga Pilipino ay nananatiling alipin sa kaisipan? May ugaling talangka na humihila sa maaaring maunang umangat ang buhay o ang mismong ugaling walang pangarap sa buhay at para sa mga susunod na henerasyon dahil sa simpleng bagay lamang ay nakukuntento na tayo o masyado tayong nagiisip ng para sa sarili lamang.
Hindi kaya’t ang mentalidad na naipamana sa atin sa Lumang Pilipinas ang siya ring dahilan kung bakit hindi umaangat ang ating bansa? Ugaling mapanghusga, mapang maliit, mayabang at takaw sa kapangyarihan? Nagtatanong lang po! dahil marami akong kilala na ugaling langaw na ang tingin sa sarili mas mataas pa sa kanyang nilalangaw na kalabaw! Magkaroon ng kaunting kapangyarihan ay kinakain na ng uod ang utak dahil dito kahit pa ang kapangyarihan ay sa mga simpleng bagay lamang?
Magandang Araw po!, dito po sa dalampasigan ng Red Sea sa Saudi Arabia…
nagpapasarap sa pagdama ng buhangin sa talampakan at ang simoy ng hanging hindi pa naaabuso ng tao… Simplicity of Life in action!
mayroon na nga tayong kultura bago pa man dumating ang mga kastila ngunit kakaunti na lamang ang likas na kulturang Pilipino sa mga panahong ang mga kastila ang namuno sa Pilipinas, ito’y unti unting iwinala o sinadya upang mas lalong mahawakan ang mga Pilipino sa leeg ng mga mapanakop na Espanyol noong panahong iyon, ang kultura kasi ng isang bansa ang mahigpit na kalaban ng sinoman na nagnanais sakupin o i-manipula ang isangitinuturing na bansa.
sa ngayon kaya halos kaunti na lamang ang gumagamit ng salitang espanyol dahil kaakibat parin sa ating buhay ang hidni magandang pananaw ng mga Pilipino sa mga Kastila. Mag espeanyol ka, sossy o mayabang ang dating mo sa iabgn tao! Hindi na ganoon kalawak ang pagtanggap ng salitang ito sa panahon ngayon, ngunit ang salitang englis ay tanggap na tanggap, bakit? dahil hanggang ngayon ay ang uri impluwensya ng mga amerIkano sa edukasyon ang ating sinusunod. di ba mula elementarya hanggang kolehiyo ay may English subject tayo?
leche mga espanyol yan (leche as in lechon de leche), ginutom ako, ha ha ha..
I agree with eliese, hindi na mawawala ang impluwensyang kastila sa kulturang Pilipino ngunit ang nakapagtataka ay hindi naman tayo sinakop ng mga amerikano ng ng ganuon katagal ngunit bakit ngayon ay halos englis ang makikita mo sa ating bansa? ang Filipino ay minsan tuloy ay napapaisip ako kung ito ba ay gantimpala o sumpa sa ating bansa!
tatapatin kita ha, kaya ako na inspire na gawin ang panulat na iyan ay dahil sa isang komento sa kabilang forum. ngunit hindi ko lang talaga mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng Machismong PInoy sa pananaw ng kababaihan sa sa mga Pilipinong nasa labas ng ating bansa.
Bakit nga kaya madalas na ang mga (mabababang?) klase ng musika na gaya nito ang sumisikat at nagiging kontrobersyal? ibig ko sabihin eh walang kahulugan except for tunes being “catchy” ? sa Pilipinas ang mga sampol nito ay ang “Spaghetti” by sexbomb, “otso-otso” by Bayani, etc…… ooohh well! Sabi nga ni Walter (the grumpy old man, favorite ko na fictional character) “the wheel is turning but the Hamster is Dead!”….
Ang Querida (System?)
August 28th, 2008 at 4:08 ammagaling ang pagkakabuklod mo sa querida, kabit at iba pang kahulugan nito.. ngunit hindi ba at noon pa man ay pareho lamang ang dahilan sa pagiging kabit o hindi tunay na asawa?
dito sa gitnang silangan, mayroon ding “por kilo” ngunit ang por kilo dito ay sa iisang regular na “karne” kinukuha.. sa pag kakaalam ko lang po!
o kaya naman ay por kilo pa rin bang matatawag ang “magsing-irog” kuno kung sila ay isang bese lamang magkita? ahihihi minsan nakakalito rin gumawa ng kalokohan eh!
Ang Lumang Pilipinas!
August 24th, 2008 at 5:16 pmkung ating pagmamasdan, ang pagkakalikha o ang mismong desenyo ng mga unang kalsada, avenida at paseos ay halos kahalintulad ng mga kalsada sa europa o eastern countries. Ang mismo ngang sentro ng mga kastilang mananakop noon o ang Espanya ay may mga maliliit na kalsada at tila pansit sa pagkakabuhol buhol ang kanilang mga eskinita, na ngangahulugan lamang na maaari ngang noon ay ibinabatay ang maynila sa mga sentrong siyudad sa Espanya at Europa.
Ang hindi lang natin nakuha sa mga mananakop ay ang ugaling “pagsulong”.. dahil hindi baga’t tayong mga Pilipino ay nananatiling alipin sa kaisipan? May ugaling talangka na humihila sa maaaring maunang umangat ang buhay o ang mismong ugaling walang pangarap sa buhay at para sa mga susunod na henerasyon dahil sa simpleng bagay lamang ay nakukuntento na tayo o masyado tayong nagiisip ng para sa sarili lamang.
Hindi kaya’t ang mentalidad na naipamana sa atin sa Lumang Pilipinas ang siya ring dahilan kung bakit hindi umaangat ang ating bansa? Ugaling mapanghusga, mapang maliit, mayabang at takaw sa kapangyarihan? Nagtatanong lang po! dahil marami akong kilala na ugaling langaw na ang tingin sa sarili mas mataas pa sa kanyang nilalangaw na kalabaw! Magkaroon ng kaunting kapangyarihan ay kinakain na ng uod ang utak dahil dito kahit pa ang kapangyarihan ay sa mga simpleng bagay lamang?
Liwaliw (ad na aliw)
August 18th, 2008 at 5:49 pmMagandang Araw po!, dito po sa dalampasigan ng Red Sea sa Saudi Arabia…
nagpapasarap sa pagdama ng buhangin sa talampakan at ang simoy ng hanging hindi pa naaabuso ng tao… Simplicity of Life in action!
El Mes Español — La Comida Filipina Es También La Comida Española
June 24th, 2008 at 6:22 ammayroon na nga tayong kultura bago pa man dumating ang mga kastila ngunit kakaunti na lamang ang likas na kulturang Pilipino sa mga panahong ang mga kastila ang namuno sa Pilipinas, ito’y unti unting iwinala o sinadya upang mas lalong mahawakan ang mga Pilipino sa leeg ng mga mapanakop na Espanyol noong panahong iyon, ang kultura kasi ng isang bansa ang mahigpit na kalaban ng sinoman na nagnanais sakupin o i-manipula ang isangitinuturing na bansa.
sa ngayon kaya halos kaunti na lamang ang gumagamit ng salitang espanyol dahil kaakibat parin sa ating buhay ang hidni magandang pananaw ng mga Pilipino sa mga Kastila. Mag espeanyol ka, sossy o mayabang ang dating mo sa iabgn tao! Hindi na ganoon kalawak ang pagtanggap ng salitang ito sa panahon ngayon, ngunit ang salitang englis ay tanggap na tanggap, bakit? dahil hanggang ngayon ay ang uri impluwensya ng mga amerIkano sa edukasyon ang ating sinusunod. di ba mula elementarya hanggang kolehiyo ay may English subject tayo?
El Mes Español — La Comida Filipina Es También La Comida Española
June 22nd, 2008 at 6:45 amleche mga espanyol yan (leche as in lechon de leche), ginutom ako, ha ha ha..
I agree with eliese, hindi na mawawala ang impluwensyang kastila sa kulturang Pilipino ngunit ang nakapagtataka ay hindi naman tayo sinakop ng mga amerikano ng ng ganuon katagal ngunit bakit ngayon ay halos englis ang makikita mo sa ating bansa? ang Filipino ay minsan tuloy ay napapaisip ako kung ito ba ay gantimpala o sumpa sa ating bansa!
Ang Machong Pinoy
June 18th, 2008 at 6:37 amtatapatin kita ha, kaya ako na inspire na gawin ang panulat na iyan ay dahil sa isang komento sa kabilang forum. ngunit hindi ko lang talaga mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng Machismong PInoy sa pananaw ng kababaihan sa sa mga Pilipinong nasa labas ng ating bansa.
papaya phenomena
June 18th, 2008 at 1:09 amBakit nga kaya madalas na ang mga (mabababang?) klase ng musika na gaya nito ang sumisikat at nagiging kontrobersyal? ibig ko sabihin eh walang kahulugan except for tunes being “catchy” ? sa Pilipinas ang mga sampol nito ay ang “Spaghetti” by sexbomb, “otso-otso” by Bayani, etc…… ooohh well! Sabi nga ni Walter (the grumpy old man, favorite ko na fictional character) “the wheel is turning but the Hamster is Dead!”….