Sa
Lumang Pilipinas, gaano nga kaya ka simple ang pamumuhay noon? Sabi ng Lolo at Lola ko noong mga musmos pa kami, ang Pilipinas daw ang Europa na napapad sa Asya, kahalintulad daw ang ating bansa ng Espanya at Mexico noong ito ay nag uumpisa pa lamang. Ang Pilipinas daw ay Perlas ng silangan na nagbibigay ng kakaibang ganda sa kabuuan ng Asya, ang ating bansa daw ang siyang magiging ehemplo ng buong Asya sa magiging tagumpay at kaunlaran.
Sa ngayon, hindi ko nakikita sa Pilipinas ang nakita ng aking mga Lolo at Lola, hindi ko maramdaman ang kaunlarang kanilang nasisilayan sa panahon nila, hindi ko lubos maisip na kung paano magiging ehemplo ang Pilipinas sa buong Asya gayong isa ang Pilipinas sa pinakamamaba ang “economy growth”. “Haaayyy… sayang naman!, sana ay maramdaman ko rin ang ibig ipakahulugan ng aking mga nuno…
Eto ang mga larawang aking napulot tungkol sa “Lumang Pilipinas”
The Escolta, a main business thoroughfare in Manila, has a street-car line known also as “Carromotes,” each car drawn by one horse, as in European countries. The travel is all to the left; this custom is shown in this view.

On the Bridge of Spain, at Manila

A country road near San Roque, Luzon Island

“The market place along the canal in the center of Manila is a rare sight. the small merchant thinks he has done a highly prosperous business, if he has been able to exchange his wares for two or three Mexican dollars.”

“View of Pasig river.
The main avenue is known as “Paseo de Magellanes.” Binando [Binondo], a portion of New Manila lies across the river. The large white building is the former Spanish Treasury. Across the river are the American’s quartermaster stores.”

Police Patrol

White Wings

Manila Fire Department

7 Comments
at 4:32 pm - 19th August 2008 Permalink
Sinira lamang ng ikalawang digmaan at mga sumunod na namuno rito ang kaunlaran at pamamaraang ginagawa ng iyong ninuno.
Kung sadyang katalinuhan na walang pagiimbot ang ginamit pagkatapos ng digmaan ay sana pinagbayad ang bansang amerika at hapon. Mangyari ay nasilaw ang mga ito sa buhay at kayangraan ibinigay sa kanila ng amerika at mga amerikano.
Hindi ang mga pilipino ang nagdala ng giyera sa pilipinas kundi ang amerika at mga hapon. Singilin ang mga iyan, diba huwan?
Ang kailangan lamang sa kasalukuyan ang isang ama at inang sadyang magmamahal at magmamalasakit buuin at ayusin ang bahay na winasak ng kapit bahay. Ang ama ang siyang mataas at mababang kapulungan at hustisya. Samantalang ang ina ay siyang presidente at mga gabinete. Magingat lamang sa kontraktor at mga dekorasyon baka sila yaong mga nagpapautang at investor na kung saan sila rin ang nakikinabang ng bahay na dapat ang mga anak ng ama at ina.
Vote wisely.
at 2:34 pm - 23rd August 2008 Permalink
Noon pa man pala masikip na talaga ang mga daanan sa pinas..
parang siksikan na ang mga tao sa kalye
at 11:51 am - 24th August 2008 Permalink
Ang itsura ng Escolta ay walang pinag-iba sa lumang Queen Street o Wellington ng New Zealand ng ganyan ding panahon. Para sa akin ay may kakaibang ganda.
at 5:16 pm - 24th August 2008 Permalink
kung ating pagmamasdan, ang pagkakalikha o ang mismong desenyo ng mga unang kalsada, avenida at paseos ay halos kahalintulad ng mga kalsada sa europa o eastern countries. Ang mismo ngang sentro ng mga kastilang mananakop noon o ang Espanya ay may mga maliliit na kalsada at tila pansit sa pagkakabuhol buhol ang kanilang mga eskinita, na ngangahulugan lamang na maaari ngang noon ay ibinabatay ang maynila sa mga sentrong siyudad sa Espanya at Europa.
Ang hindi lang natin nakuha sa mga mananakop ay ang ugaling “pagsulong”.. dahil hindi baga’t tayong mga Pilipino ay nananatiling alipin sa kaisipan? May ugaling talangka na humihila sa maaaring maunang umangat ang buhay o ang mismong ugaling walang pangarap sa buhay at para sa mga susunod na henerasyon dahil sa simpleng bagay lamang ay nakukuntento na tayo o masyado tayong nagiisip ng para sa sarili lamang.
Hindi kaya’t ang mentalidad na naipamana sa atin sa Lumang Pilipinas ang siya ring dahilan kung bakit hindi umaangat ang ating bansa? Ugaling mapanghusga, mapang maliit, mayabang at takaw sa kapangyarihan? Nagtatanong lang po! dahil marami akong kilala na ugaling langaw na ang tingin sa sarili mas mataas pa sa kanyang nilalangaw na kalabaw! Magkaroon ng kaunting kapangyarihan ay kinakain na ng uod ang utak dahil dito kahit pa ang kapangyarihan ay sa mga simpleng bagay lamang?
at 10:50 pm - 3rd September 2008 Permalink
sayang ang dating pilipinas umunlad nga ay umunlad nga ba? tpos nasira pa sayang dn natin inabot noh
at 6:58 pm - 20th May 2009 Permalink
Napakaganda talaga ng Maynila noong unang panahon. Salamat ng marami sa iyo kaibigan na nagsumikap itabi ang mga larawn na ito para sa amin na hindi inabot ang kagandahan ng panahon na iyon. Ibang-iba nag pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng litrato ng lumang Maynila. Sana naabutan ko ang panahon na iyon.
at 1:43 am - 10th August 2010 Permalink
Hilig ko ay lumang mga larawan at mas dama ko ang buhay noon hindi tulad ngayon maunlad nga magulo naman at wala na kasiyahan ang mga tao.
Post a Comment