Tag Archives for edukasyon

Ang importansya ng edukasyon sa mga Pilipino.

 

Ang importansya ng edukasyon sa mga Pilipino.

Ilan lamang ito sa mga tanong na gusto kong sagutin subalit hindi ko malaman alin sa kanila ang dapat unahin

Magkano ang presyo ng edukasyon sa Pilipinas?

Sa pribado o public schools ba dapat magsipagaral ang mga bata?

Ano ang seguridad ng mga estudyante habang sila ay nagaaral?

Ano ang naibibigay ng gobyerno sa edukasyon ng Pilipinas?

Kalidad ng edukasyon?

\
Hindi ko alam papaano at saan ko sisimulan ang usaping pang edukasyon sa Pilipinas.  Dahil sa magulo at buhol buhol na pamamalakad dito.  Hindi ko tuloy malaman alin ang mga dapat unahin o i-prioridad.  Bakit nga ba may private at public schools? kapag sa private ka nagaral ang ibig ba sabihin ay mas mataas ang iyong matutunan at paghahanda sa buhay?

Siguradong sa private schools ang halaga ng pagaaral ay doble sa buwanang suweldo ng isang amang nakakatangap lamang ng Php 9,000 sa metro manila.  Elementarya pa lamang po iyan, papaano ang sa High School at College.  Wala pa rin ang taunang mga kwaderno, libro, school projects, educational trips at iba pang gastusin.  Ganunpaman, ang tamang pagaaral ay hindi dapat maging panindak sa mga magulang.

Kapag basic salary nga naman ang kinikita ng ama ay mapipilitan hati-hatiin ito sa buong pamilya.  Paano kung higit sa isa ang iyong anak?  Kahit na nga ba ang ina ay nakakatulong din makalikom ng pera sa pamamagitan ng pananahi o bilang beautician o kaya’y kubrador ng jueteng.  Kapos pa din ito sa baon ng bata, pagkain sa bahay, pamasahe ni tatay, kuryente at tubig sa bahay.  Hay naku saan nga pala kukunin ang pang bayad ng renta sa bahay at yun pang bonding moments ng pamilya tulad ng pagpasyal sa Mall o kahit sa Luneta.

Sadya bang mas mahirap ang buhay ng may pamilya kesa sa Grade 5 History, Chemistry, at Integrated Calculus.  Mayroon din ba ganyang subjects sa public schools, colleges at universities?  Ganun naman pala, e bakit may private schools pa?

If I were the president of this country… then I should not prioritized the education as done by previous His/Her Excellencies.  Pwede ba magmura ang presidente? Tut!@# Tut$%^&.  We have 41,995 Barangays, 1,494 Municipalities and 136 Cities.  The news said that the education budget for 2008 is Php 149,000,000,000 only.  By simply doing addition and division  you will end up with this value of Php 3,426,153.  Hindi ito sapat sa kada eskuwelahan ng barangay subalit malaki rin ito kung hahayaan lamang kung kani kaninong bulsa ito mapupunta.  Ang suweldo ng mga guro, pananatili ng paaralan o konstruksyon nito, donasyon ng pribadong tao o kompanya, ang nalikom na pera ng munisipalidad at cities ay saan nga ba nangagalin at napupunta?  Ang importante ay namamalagi ang mga paaralang ito sa mga barangay at patuloy na pinakikinabangan ng mahihirap na estudyante.

Ang mga public elementary’s, high school’s at colleges ay palagi na lamang nasesentro ang usapan sa budget o perang inilalaan ng gobyerno dito.  Sadyang pera lamang ba talaga ang importante sa mga lider na ito.  Sa ganang akin, hindi na ito prioridad huwag lamang kakaligtaan at nanakawin.  Mayroon matatag na distribusyon ng sistemang inilaan sa pananalapi na dapat ay magpatuloy at madagdagan.

The quality of education, structures and security of students should be address and reform.  Immense planning, implementation and proper order by the government are precedent for urgency.  Siempre kapag may bagong programa may perang pangangailangan at higit sa lahat may makikisawsaw, mananamantala at magnanakaw.

Una, tapusin ang pagsulpot ng mga pribadong paaralan.  Saan ka naman nakakita ng paaralang malaki lamang ng kaunti o halos kasing laki lamang ng lupa sa mga subdivision.  Ang istraktura nito ay bago at airconditioned subalit kasing laki lamang ng istraktura sa ayala labang village.  Susmeo, hindi sapat ang dahilang mas bago at maganda ito kesa sa public schools.  Malinaw na ang prioridad ng mga private schools ay ang kumita at hindi ang quality at security.  Kayong mga middle class akala nyo ba nakikinabang kayo sa mga paaralang nabangit? Nakakatuwa po kayong pagmasdan sapagkat ang hinahabol ninyo ay ang kategorya at pangalan ng iskwelahan.

Ikalawa, itakda sa batas.  Nabasa mo ba ang librong ginagamit ng iyong anak? Ito ay nasusulat sa filipino subalit ang ehemplo at aral nito ay sumasalamin sa lahing indiyano (Indian national) sapagkat ang publishing nito ay pagaari ng banyaga.  Ganun din ito sa mga Intsik, Amerikano at British.  Para akong sinampal ng paulit ulit… naitanong ko tuloy sa aking sarili, bakit wala na ba talagang halaga ang maging isang pilipino? nasaan ang aking sariling kultura?  Hindi naman masama kung ang subject ng bata ay History subalit ito ay GMRC (Good Manners and Right Conduct).  Itatakda ng gobyerno ang pinal na basehan at angkop na pagtuturo at edukasyon.

Kasama din dito ang pagdikta ng sukat ng lupain titirikan ng paaralan at paglimita sa strukturang gagawing silid paaralan at pumapalibot na establishimento at mangagawa nito.

Isipin ninyo kung ang mga establishimentong pumapaligid sa paaralan ay naangkop sa mga estudyante.  Mayroon pang alalahanin ang mga magulang? Ano kaya ang epekto kung ang mga mangagawa nito ay siya din mga magaaral?

Restaurants
Internet Shop
Recreation and Gymnasium Bldg
Bookstore
Grocery Shop
Books and Newspapers Printing Shop
Park and Hotel
Drugstore
Others

Kung ang mga paaralan sana ay tulad ng mga malls na nagsusulputan na parang kabute.

Ipapagamit ng gobyerno ang kanyang lupain na hindi liliit sa 100 Hektarya upang pagtayuan ng aprubadong desenyong paaralan, dormitoryo at mga establishemento.  Ito ay ilalagay sa kada probinsya at ang bilang ay depende sa laki ng una.  Maaring mamumuhunan ang sino mang isang pribadong tao o kompanyang pagaari ng Pilipino o kasyosong Pilipino.

Ang buwis na umiiral dito ay kokolektahin (10%) at gagamitin (90%) sa pagsubsidiya ng halaga ng matrikula. Ang halaga ng pag-aari ng gobyerno ay hindi bababa o hihigit sa 50% hatian.  Dito rin mangagaling ang garantiya (10/90) ng mababang matrikula subalit mataas na kalidad ng edukasyon.
Private Schools Average Tuition Fee - Secondary (annual) and College (per semester) level.

Php 16,000

@ 10% Gov’t Taxes (Assumed)

90% Subsidy

@ 50% Profit Share (Gov’t)

90% Subsidy

Proposed Tuition Fee

Php 7,280
Mode of Payment

@ 10 months for high school

Php   728 monthly
Php 1,820 quarterly

@  5 months per semester for college

Php 2,912 - 40% downpayment upon enrollment
Php 1,456 - 20% Prelim
Php 1,456 - 20% Midterm
Php 1,456 - 20% Final
Ikatlo, paguubliga sa kinikita ng munisipyo, pondong inilalaan sa DECS, congressman at senador at higit sa lahat ang kinokolektang buwis ng BIR.  Sapat ito upang ipaayos ang kasalukuyang paaralan at pagtatayo ng mga bago sa mga liblib na barangay.

Masuwerte tayo at naipagawa ng mga sinaunang lider ang pagpapatayo ng mga ito sa bawat barangay na may malaking espasyo.  Kailangan lamang paunlarin natin ito sa tulong na nilaang pondo sa DECS.  Hindi ba kayo kinikilabutan sa paghahangad ng computerization ng ating eleksyon.  Gayong ni isang computer ay wala ang mga paaralang ito upang pagaralan at gamitin.

Tapusin na natin ang tila habang buhay na pagtitiis kung sa kasalukuyan ay kaya nating wakasan ito sa loob ng lima o sampung taon lamang.  Ang maganda at mahusay na pananaw bilang pundasyong maipapamana sa mga susunod na Pilipino ay may kaakibat na pagbabago.  Ang kaunlarang ito ang siyang nararapat sa magagaling na mamayan.  Hindi lamang iilan ang makikinabang nito, lalong higit ang mga namumuhunan sa pagpapalusog ng Pilipinas.

Pilipinas - Class Picture (unknown)

Sadyang malinaw na ang edukasyon ang sandata at ang mga estudyante ang kawal sa hamon ng mundo.

kalidad ng edukasyon sa pinas

lp

isang mapurol na lapis ang tingin ko sa estado ng edukasyon sa atin (LP: Pag-aaral)

Ayon sa 2007 Times Higher Education World University Rankings -  2 unibersidad lamang sa pilipinas ang umabot sa top 500.

University of the Philippines (UP)   - #398

Ateneo de Manila University (ADMU)  - #451

ang kasama sa top 500 last year na bumaba ngayon ay De La Salle University (DLSU) - 519th at University of Sto. Tomas 535th.

Ang pilipinas ang may pinakamababang bilang ng unibesidad sa asya sa talaan.  India having eight, Thailand five, and Indonesia three, all of which ranking higher than UP.

“Hindi ako naniniwala na nag-deteriorate. Siguro sa akin ay hirap lang tayong humabol sa kanila, kasi dahil kulang sa pondo (I don’t believe that the quality of education has deteriorated. For me it’s more like we are having a hard time coping up with them due to lack of funds, among other reasons),” ayon ky UP president Dr Emerlinda Roman

IMHO - it has deteriorated, at due to lack of funds ang isa sa dahilan, among other reasons.