Tag Archives for itay

Pangalawang Itay

LP-Itay


Isang lumang litratong nahalukay ko sa kaila-ilaliman ng aking tampipi - isang binyagang naganap sa simbahan ng quiapo. Ayon sa simbahan, tumatayong ikalawang ama ang ating mga ninong sa binyagan. Nguni’t gaano ito pinapahalagahan ng mga nabibiyayaang maging ninong? Maliban sa aguinaldong inaabot tuwing darating ang pasko, ilang porsiyento kaya ng mga nagiging ninong ang gumaganap sa kanilang tungkulin bilang ikalawang ama? Nagsisilbing gabay sa paslit na inakay sa simbahan. Di ko maaalis sa aking isipan na karamihan sa kanila ay naroroon lamang para sa handaan o inuman matapos ang binyagan at ang unang pumapasok sa isip kapag naalok maging ninong ay ang karagdagang aabutan ng aguinaldo tuwing darating ang pasko.

Marahil nagtataka kayo kung bakit walang tema tungkol sa NZ ang lahok ko ngayon sa LP. Ako po ay naimbitahan ng isang katotong magpaskil dito kaya ito ay aking pinaunlakan.